Ang "Dear Satan" ay isang Christmas horror film na nakatakdang ipalabas ngayong Setyembre sa Pilipinas. Ipinapakita nito si Satanas bilang isang mabuting karakter, na labag sa ating Kristiyanong paniniwala. Isang insulto ito sa ating Christian values at pananampalataya, at hindi natin puwedeng hayaan na sirain ang ating mga pinahahalagahan.
Kapag pinayagan nating ipalabas ang pelikulang ito, gagawa tayo ng precedent para sa media na okey lang palang balewalain ang ating Filipino Christian values. Isa tayong Kristyanong bansa, at ang ganitong klaseng pelikula ay walang lugar sa ating lipunan. Kailangan natin kumilos ngayon bago pa kumalat ang maling mensahe nito.
Kung wala tayong gagawin, magiging normal na lang ang pagpapakita ng masama bilang mabuti. Nasa panganib ang ating paniniwala at ang mga values na itinuturo natin sa ating mga anak. Pero kung kikilos tayo ngayon, mapoprotektahan natin ang ating pananampalataya at masesegurong nirerespeto ng media ang ating Kristiyanong values.
Nananawagan tayo kay MTRCB chief Lala Sotto na hindi lang bigyan ng "X" rating, kundi i-ban ang "Dear Satan" sa mga sinehan sa Pilipinas.
Kapag sama-sama, malakas ang boses natin. Protektahan ang ating Filipino Christian values at pigilan ang pag-ere ng pelikulang ito!
-------
Iba pang impormasyon:
288 ay pumirma na.
Abutin natin ang 500
Urgent: Pagtutol sa pag-ere ng 'Dear SATAN' movie sa Pilipinas
Dear MTRCB Chair Lala Sotto,
Ako po ay sumusulat upang ipahayag ang aking matinding pagtutol sa pagpapalabas ng pelikulang "Dear Satan" na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong Setyembre.
Bilang isang concerned citizen at tagapagtanggol ng Kristiyanong mga pagpapahalaga, naniniwala ako na ang pelikulang ito ay isang direktang paglapastangan sa aking pananampalataya at insulto sa moral standards na pinahahalagahan ng milyon-milyong Pilipino. Kung papayagan ang pelikulang ito, sisirain nito ang mga paniniwalang nagbibigay pagkakakilanlan sa ating bansa.
Ang "Dear Satan" ay nagpapakita kay Satanas bilang isang mabuting karakter, na labag sa pangunahing turo ng Kristiyanismo. Hindi lang ito nakakasakit, kundi nagbibigay rin ito ng maling mensahe na puwedeng magdulot ng kalituhan lalo na sa mga kabataan.
Ang ganitong uri ng portrayal ay walang lugar sa ating lipunan na nagtataguyod ng respeto sa pananampalataya at tradisyon.
Bilang pinuno ng MTRCB, may tungkulin po kayo na protektahan ang moralidad at cultural values ng ating bansa. Ang inyong desisyon na ipagbawal ang "Dear Satan" ay isang mahalagang hakbang para ipakita na ang ating bansa ay naninindigan sa tama at hindi nagpapadala sa maling impluwensiya ng ganitong klaseng media.
Kailangan natin ng mga pelikulang nagbibigay-inspirasyon at nagpapalakas sa ating paniniwala, hindi yung sinisira ang ating pananampalataya.
Ang pagpayag na ipalabas ang "Dear Satan" ay magbubukas ng pinto sa mas marami pang hindi magandang content. Bilang mga Kristiyanong Pilipino, hindi tayo dapat manahimik habang tinatapakan ang ating mga values.
Hinihiling namin sa inyo, Chair Sotto, na gamitin ang inyong kapangyarihan bilang tagapangalaga ng ating media standards para ipagbawal ang pagpapalabas ng pelikulang ito. Hindi lang ito tungkol sa isang pelikula kundi tungkol sa proteksyon ng ating mga values at ang kinabukasan ng ating mga anak.
Maraming salamat sa inyong atensyon sa napakahalagang isyung ito.
Lubos na gumagalang,
[Iyong Pangalan]